Mga Awit 119:134-139 Ang Biblia (TLAB)

134. Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.

135. Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.

136. Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.

137. Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo.

138. Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat.

139. Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.

Mga Awit 119