101. Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo.
102. Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagka't iyong tinuruan ako.
103. Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
104. Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.
105. Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.
106. Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.