10. Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
11. Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
12. Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
13. Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon.
14. Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
15. Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16. Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17. Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.