Mga Awit 109:1-9 Ang Biblia (TLAB)

1. Huwag kang mapayapa, Oh Dios na aking kapurihan;

2. Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin: sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila.

3. Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim, at nagsilaban sa akin ng walang kadahilanan.

4. Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila: nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin.

5. At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti, at pagtatanim sa pagibig ko.

6. Lagyan mo ng masamang tao siya: at tumayo nawa ang isang kaaway sa kaniyang kanan.

7. Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin; at maging kasalanan nawa ang kaniyang dalangin.

8. Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan; at kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.

9. Maulila nawa ang kaniyang mga anak, at mabao ang kaniyang asawa.

Mga Awit 109