Mga Awit 108:1-6 Ang Biblia (TLAB)

1. Ang aking puso'y matatag, Oh Dios; ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.

2. Kayo'y gumising, salterio at alpa: ako ma'y gigising na maaga.

3. Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: at ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.

4. Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit, at ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga alapaap.

5. Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit: at ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa.

6. Upang ang iyong minamahal ay maligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.

Mga Awit 108