Mga Awit 106:9-20 Ang Biblia (TLAB)

9. Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at natuyo: sa gayo'y pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.

10. At iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila, at tinubos niya sila sa kamay ng kaaway.

11. At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway: walang nalabi sa kanila kahit isa.

12. Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita; inawit nila ang kaniyang kapurihan.

13. Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa; hindi sila naghintay sa kaniyang payo:

14. Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang, at tinukso ang Dios sa ilang.

15. At binigyan niya sila ng kanilang hiling; nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.

16. Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon.

17. Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan, at tinakpan ang pulutong ni Abiram.

18. At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong; sinunog ng liyab ang mga masama,

19. Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo.

20. Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo.

Mga Awit 106