Mateo 14:1-2 Ang Biblia (TLAB)

1. Nang panahong yao'y narinig ni Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Jesus,

2. At sinabi sa kaniyang mga tagapaglingkod, Ito'y si Juan Bautista; siya'y muling nagbangon sa mga patay; kaya't ang mga kapangyarihang ito ay nagsisigawa sa kaniya.

Mateo 14