Lucas 22:65-69 Ang Biblia (TLAB)

65. At sinabi nila ang ibang maraming bagay laban sa kaniya, na siya'y inaalimura.

66. At nang araw na, ay nagkatipon ang kapulungan ng matatanda sa bayan, ang mga pangulong saserdote, at gayon din ang mga eskriba, at dinala siya sa kanilang Sanedrin, na sinasabi,

67. Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mo sa amin. Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Kung sabihin ko sa inyo, ay hindi ninyo ako paniniwalaan:

68. At kung kayo'y aking tanungin, ay hindi kayo magsisisagot.

69. Datapuwa't magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Dios.

Lucas 22