53. Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay; At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.
54. Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin, Upang maalaala niya ang awa
55. (Gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang) Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.
56. At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan, at umuwi sa kaniyang bahay.
57. Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siya'y nanganak ng isang lalake.