15. At titingnan ng saserdote ang lamang buhay, at ipakikilala siyang karumaldumal: ang lamang buhay ay karumaldumal: ketong nga.
16. O kung magbago uli ang lamang buhay at pumuti, ay lalapit nga siya sa saserdote;
17. At titingnan siya ng saserdote: at, narito, kung pumuti ang tila salot ay ipakikilalang malinis ng saserdote ang may tila salot: siya'y malinis.
18. At kung magkaroon sa balat ng laman ng isang bukol at gumaling,