12. Anomang walang palikpik at kaliskis sa tubig ay magiging karumaldumal sa inyo.
13. At sa mga ibon ay aariin ninyong karumaldumal ang mga ito; hindi kakanin, mga karumaldumal nga; ang agila, ang agilang dumudurog ng mga buto, at ang agilang dagat:
14. At ang lawin, at ang limbas, ayon sa kaniyang pagkalimbas;
15. Lahat ng uwak ayon sa kaniyang pagkauwak;
16. At ang avestruz, at ang chotacabras at ang gaviota, at ang gavilan ayon sa kaniyang pagkagavilan;
17. At ang maliit na kuwago, at ang somormuho, at ang malaking kuwago;