Job 6:7-11 Ang Biblia (TLAB)

7. Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa; mga karumaldumal na pagkain sa akin.

8. Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi!

9. Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako!

10. Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal.

11. Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis?

Job 6