Job 39:15-19 Ang Biblia (TLAB)

15. At kinalilimutang mangapipisa ng paa, o mangayuyurakan ng mabangis na hayop.

16. Siya'y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya: bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan, hindi niya ikinatatakot;

17. Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan, ni hindi siya binahaginan ng unawa.

18. Anomang panahon na siya'y napaiitaas, hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito.

19. Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan? Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw?

Job 39