Job 38:8-14 Ang Biblia (TLAB)

8. O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat, nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata?

9. Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon, at ang salimuot na kadiliman na pinakabalot niyaon,

10. At aking itinatag doon ang aking pasiya, at nilagyan ko ng mga halang at mga pinto,

11. At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas: at dito'y titigil ang iyong mga palalong alon?

12. Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan, at ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako;

13. Upang humawak sa mga wakas ng lupa, at ang masasama ay maugoy doon?

14. Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak; at lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan:

Job 38