Job 31:1-19 Ang Biblia (TLAB)

1. Ako'y nakipagtipan sa aking mga mata; paano nga akong titingin sa isang dalaga?

2. Sapagka't ano ang bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas, at ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula sa kaitaasan?

3. Hindi ba kasakunaan sa liko, at kasawiang palad sa mga manggagawa ng kasamaan?

4. Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad, at binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?

5. Kung ako'y lumakad na walang kabuluhan, at ang aking paa ay nagmadali sa pagdaraya;

6. (Timbangin ako sa matuwid na timbangan, upang mabatid ng Dios ang aking pagtatapat;)

7. Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan, at ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata, at kung ang anomang dungis ay kumapit sa aking mga kamay:

8. Kung gayo'y papaghasikin mo ako, at bayaang kanin ng iba; Oo, bunutin ang bunga ng aking bukid.

9. Kung ang aking puso ay napadaya sa babae, at ako'y bumakay sa pintuan ng aking kapuwa:

10. Kung magkagayo'y iba ang ipaggiling ng aking asawa, at iba ang yumuko sa kaniya.

11. Sapagka't iya'y isang mabigat na sala; Oo, isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom:

12. Sapagka't isang apoy na namumugnaw hanggang sa pagkapahamak, at bubunutin ang lahat ng aking bunga.

13. Kung hinamak ko ang katuwiran ng aking aliping lalake o aliping babae, nang sila'y makipagtalo sa akin:

14. Ano nga ang aking gagawin pagka bumabangon ang Dios? At pagka kaniyang dinadalaw, anong isasagot ko sa kaniya?

15. Hindi ba siyang lumalang sa akin sa bahay-bata ang lumalang sa kaniya; at hindi ba iisa ang humugis sa atin sa bahay-bata?

16. Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa, o pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao:

17. O kumain akong magisa ng aking subo, at ang ulila ay hindi kumain niyaon;

18. (Hindi, mula sa aking kabataan ay lumaki siyang kasama ko, na gaya ng may isang ama, at aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng aking ina;)

19. Kung ako'y nakakita ng sinomang nangangailangan ng kasuutan, o ng mapagkailangan ng walang kumot;

Job 31