Job 3:15-23 Ang Biblia (TLAB)

15. O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto, na pumuno sa kanilang bahay ng pilak:

16. O gaya sana ng nalagas na nakatago, na hindi nabuhay; gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag.

17. Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag; at doo'y nagpapahinga ang pagod.

18. Doo'y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama; hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag.

19. Ang mababa at ang mataas ay nangaroon; at ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon.

20. Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan, at ng buhay ang kaluluwang nasa kahirapan;

21. Na naghihintay ng kamatayan, nguni't hindi dumarating; at hinahangad ng higit kaysa mga kayamanang nakatago;

22. Na nagagalak ng di kawasa, at nangasasayahan, pagka nasumpungan ang libingan?

23. Bakit binibigyan ng liwanag ang tao na kinalilingiran ng lakad, at ang kinulong ng Dios?

Job 3