Job 3:10-16 Ang Biblia (TLAB)

10. Sapagka't hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina, o ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata.

11. Bakit hindi pa ako namatay mula sa bahay-bata? Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina?

12. Bakit tinanggap ako ng mga tuhod? O bakit ng mga suso, na aking sususuhin?

13. Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik; ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako:

14. Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa, na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila;

15. O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto, na pumuno sa kanilang bahay ng pilak:

16. O gaya sana ng nalagas na nakatago, na hindi nabuhay; gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag.

Job 3