Job 28:24-28 Ang Biblia (TLAB)

24. Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, at nakikita ang silong ng buong langit;

25. Upang bigyan ng timbang ang hangin; Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan.

26. Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan, at ng daan sa kidlat ng kulog:

27. Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag; kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat.

28. At sa tao ay sinabi niya, Narito, ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.

Job 28