12. Nguni't saan masusumpungan ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
13. Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon; ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay.
14. Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin: at sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin.
15. Hindi mabibili ng ginto, ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon.
16. Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir, ng mahalagang onix, o ng zafiro.