3. Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako: kayo'y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin.
4. At kahima't ako'y magkamali, ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili.
5. Kung tunay na kayo'y magpapakalaki laban sa akin, at ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko:
6. Talastasin ninyo ngayon na inilugmok ako ng Dios, at inikid ako ng kaniyang silo.
7. Narito, ako'y humihiyaw dahil sa kamalian, nguni't hindi ako dinidinig; ako'y humihiyaw ng tulong, nguni't walang kahatulan.
8. Kaniyang pinadiran ang aking daan upang huwag akong makaraan, at naglagay ng kadiliman sa aking mga landas.
9. Hinubaran niya ako ng aking kaluwalhatian, at inalis ang putong sa aking ulo.
10. Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw: at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy.