1. Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2. Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa, at babagabagin ako ng mga salita?
3. Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako: kayo'y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin.
4. At kahima't ako'y magkamali, ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili.
5. Kung tunay na kayo'y magpapakalaki laban sa akin, at ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko: