Job 15:4-12 Ang Biblia (TLAB)

4. Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan, at iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios.

5. Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig, at iyong pinipili ang dila ng mapagkatha.

6. Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako; Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo.

7. Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak? O nalabas ka bang una kay sa mga burol?

8. Iyo bang narinig ang lihim na payo ng Dios? At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili?

9. Anong nalalaman mo na di namin nalalaman? Anong nauunawa mo na wala sa amin?

10. Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao, matandang makapupo kay sa iyong ama.

11. Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo, sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo?

12. Bakit ka napadadala sa iyong puso? At bakit kumikindat ang iyong mga mata?

Job 15