Jeremias 31:34-40 Ang Biblia (TLAB)

34. At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.

35. Ganito ang sabi ng Panginoon, na nagbibigay ng araw na sumisikat na pinakaliwanag sa araw, at ng mga ayos ng buwan at ng mga bituin na pinakaliwanag sa gabi, na nagpapakilos sa dagat, na humugong ang mga alon niyaon; ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan:

36. Kung ang mga ayos na ito ay humiwalay sa harap ko, sabi ng Panginoon, ang binhi nga ng Israel ay maglilikat sa pagkabansa sa harap ko magpakailan man.

37. Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung ang langit sa itaas ay masusukat, at ang mga patibayan ng lupa ay masisiyasat sa ilalim, akin ngang ihahagis ang buong lahi ng Israel dahil sa lahat nilang nagawa, sabi ng Panginoon.

38. Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang bayan ay matatayo sa Panginoon mula sa moog ni Hananeel hanggang sa pintuang-bayan sa sulok.

39. At ang panukat na pisi ay magpapatuloy na matuwid sa burol ng Gareb, at pipihit hanggang sa Goa.

40. At ang buong libis ng mga katawang patay, at ng mga abo, at ang lahat na parang hanggang sa batis ng Cedron, hanggang sa sulok ng pintuang-bayan ng kabayo sa dakong silanganan, magiging banal sa Panginoon; hindi mabubunot o mahahagis ang sinoman magpakailan pa man.

Jeremias 31