Ezekiel 26:5-9 Ang Biblia (TLAB)

5. Siya'y magiging dakong ladlaran ng mga lambat sa gitna ng dagat: sapagka't ako ang nagsalita sabi ng Panginoong Dios; at siya'y magiging samsam sa mga bansa.

6. At ang kaniyang mga anak na babae na nangasa parang ay papatayin ng tabak: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

7. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking dadalhin sa Tiro si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na hari ng mga hari, mula sa hilagaan, na may mga kabayo, at may mga karo, at may mga nangangabayo, at isang pulutong, at maraming tao.

8. Kaniyang papatayin ng tabak ang iyong mga anak na babae sa parang; at siya'y gagawa ng mga katibayan laban sa iyo, at magtitindig ng isang bunton laban sa iyo, at magtataas ng longki laban sa iyo.

9. At kaniyang ilalagay ang kaniyang mga pangsaksak laban sa iyong mga kuta, at sa pamamagitan ng kaniyang mga palakol ay kaniyang ibabagsak ang iyong mga moog.

Ezekiel 26