Esther 9:2-9 Ang Biblia (TLAB)

2. Ang mga Judio ay nagpipisan sa kanilang mga bayan sa lahat na lalawigan ng haring Assuero, upang magbuhat ng kamay sa mga nagbabanta ng kanilang kapahamakan: at walang makatayo sa kanila; sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa lahat ng mga bayan.

3. At lahat ng mga prinsipe sa mga lalawigan, at ang mga satrapa, at ang mga tagapamahala, at ang mga nagsisigawa ng gawain ng hari, ay nagsitulong sa mga Judio; sapagka't ang takot kay Mardocheo ay suma kanila,

4. Sapagka't si Mardocheo ay dakila sa bahay ng hari, at ang kaniyang kabantugan ay lumaganap sa lahat ng mga lalawigan: sapagka't ang lalaking si Mardocheo ay dumakila, ng dumakila.

5. At sinaktan ng mga Judio ang lahat ng kanilang mga kaaway sa taga ng tabak, at sa pagpatay at paggiba, at ginawa ang naibigan nila sa nangapopoot sa kanila.

6. At sa Susan na bahay-hari ay nagsipatay ang mga Judio at nagsilipol ng limang daang lalake.

7. At si Phorsandatha, at si Dalphon, at si Asphatha,

8. At si Phoratha, at si Ahalia, at si Aridatha.

9. At si Pharmastha, at si Arisai, at si Aridai, at si Vaizatha,

Esther 9