Eclesiastes 3:1-10 Ang Biblia (TLAB)

1. Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit:

2. Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim;

3. Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo;

4. Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw;

5. Panahon ng paghahagis ng mga bato, at panahon ng pagpipisan ng mga bato; panahon ng pagyakap, at panahon ng pagpipigil sa pagyakap;

6. Panahon ng paghanap, at panahon ng pagkawala: panahon ng pagiingat, at panahon ng pagtatapon;

7. Panahon ng pagpunit, at panahon ng pananahi; panahon ng pagtahimik, at panahon ng pagsasalita;

8. Panahon ng pagibig, at panahon ng pagtatanim; panahon ng digma, at panahon ng kapayapaan.

9. Anong pakinabang ang tinatamo niya, na gumagawa sa kaniyang pinagpapagalan?

10. Aking nakita ang sakit na ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao upang pagsanayan.

Eclesiastes 3