18. At si Abisai, na kapatid ni Joab, na anak ni Sarvia, ay pinuno ng tatlo. At kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay niya sila, at nagkapangalan sa tatlo.
19. Hindi ba siya ang lalong marangal sa tatlo? kaya't siya'y ginawang punong kawal nila: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo.
20. At si Benaia, na anak ni Joiada, na anak ng matapang na lalake na taga Cabseel, na gumawa ng makapangyarihang gawa, na kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab; siya'y lumusong din at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa kapanahunan ng niebe.
21. At siya'y pumatay ng isang taga Egipto na malakas na lalake: at ang taga Egipto ay may sibat sa kaniyang kamay; nguni't siya'y nilusong niyang may tungkod, at inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.
22. Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias, na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong malalakas na lalake.
23. Siya'y marangal kay sa tatlongpu, nguni't sa unang tatlo'y hindi siya umabot. At inilagay ni David siya sa kaniyang bantay.
24. At si Asael na kapatid ni Joab ay isa sa tatlongpu; si Elhaanan na anak ni Dodo, na taga Bethlehem,
25. Si Samma na Harodita, si Elica na Harodita,
26. Si Heles na Paltita, si Hira na anak ni Jecces na Tecoita.
27. Si Abiezer na Anathothita, si Mebunai na Husatita,
28. Si Selmo na Hahohita, si Maharai na Netophathita,
29. Si Helec na anak ni Baana, na Netophathita, si Ithai na anak ni Ribai, na taga Gabaa, sa mga anak ng Benjamin.
30. Si Benaia na Pirathonita, si Hiddai sa mga batis ng Gaas,
31. Si Abi-albon na Arbathita, si Azmaveth na Barhumita,
32. Si Eliahba na Saalbonita, ang mga anak ni Jassen, si Jonathan,
33. Si Samma na Ararita, si Ahiam na anak ni Sarar, na Ararita,
34. Si Elipheleth na anak ni Asbai, na anak ni Maachateo, si Eliam na anak ni Achitophel na Gelonita,
35. Si Hesrai na Carmelita, si Pharai na Arbita;
36. Si Igheal na anak ni Nathan na taga Soba, si Bani na Gadita,
37. Si Selec na Ammonita, si Naharai na Beerothita, na mga tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia;
38. Si Ira na Ithrita, si Gareb na Ithrita,