2 Samuel 19:1-3 Ang Biblia (TLAB)

1. At nasaysay kay Joab; narito, ang hari ay tumatangis at namamanglaw dahil kay Absalom.

2. At ang pagtatagumpay sa araw na yaon ay naging kapanglawan sa buong bayan: sapagka't narinig ng bayan na sinasabi sa araw na yaon. Ang hari ay nahahapis dahil sa kaniyang anak.

3. At ang bayan ay pumasok sa bayan na patago sa araw na yaon, na gaya ng pagpasok ng bayang napapahiya pagka tumatakas sa pagbabaka.

2 Samuel 19