1 Mga Taga-Corinto 7:18-23 Ang Biblia (TLAB)

18. Tinawag baga ang sinomang taong tuli na? huwag siyang maging di tuli. Tinawag baga ang sinomang di tuli? huwag siyang maging tuli.

19. Ang pagtutuli ay walang anoman, at ang di pagtutuli ay walang anoman; kundi ang pagtupad sa mga utos ng Dios.

20. Bayaang ang bawa't isa'y manatili doon sa pagkatawag na itinawag sa kaniya.

21. Ikaw baga'y alipin ng ikaw ay tinawag? huwag kang magalaala: kung maaaring ikaw ay maging malaya, ay pagsikapan mo ng maging laya.

22. Sapagka't ang tinawag sa Panginoon nang siya'y alipin, ay malaya sa Panginoon: gayon din naman ang tinawag nang siya'y malaya, ay alipin ni Cristo.

23. Sa halaga kayo'y binili; huwag kayong maging mga alipin ng mga tao.

1 Mga Taga-Corinto 7