1 Mga Taga-Corinto 14:30-36 Ang Biblia (TLAB)

30. Datapuwa't kung may ipinahayag na anoman sa isang nauupo, ay tumahimik ang nauuna.

31. Sapagka't kayong lahat ay makapanghuhulang isa-isa, upang ang lahat ay mangatuto, at ang lahat ay maaralan;

32. At ang mga espiritu ng mga propeta ay nasasakupan ng mga propeta;

33. Sapagka't ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. Gaya sa lahat ng mga iglesia ng mga banal,

34. Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia: sapagka't sila'y walang kapahintulutang mangagsalita; kundi sila'y pasakop, gaya naman ng sinasabi ng kautusan.

35. At kung ibig nilang maalaman ang anomang bagay, magtanong sila sa kanilang asawa sa bahay; sapagka't mahalay na ang isang babae ay magsalita sa iglesia.

36. Ano? lumabas baga mula sa inyo ang salita ng Dios? o sa inyo lamang dumating?

1 Mga Taga-Corinto 14