1 Mga Cronica 7:23-26 Ang Biblia (TLAB)

23. At siya'y sumiping sa kaniyang asawa, at siya'y naglihi, at nagkaanak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Beria, sapagka't sumakaniyang bahay ang kasamaan.

24. At ang kaniyang anak na babae ay si Seera, na siyang nagtayo ng Bet-horon sa ibaba at sa itaas, at ng Uzzen-seera.

25. At naging anak niya si Repha, at si Reseph, at si Thela na kaniyang anak, at si Taan na kaniyang anak;

26. Si Laadan na kaniyang anak, si Ammiud na kaniyang anak, si Elisama na kaniyang anak;

1 Mga Cronica 7