48. At namatay si Samla, at si Saul na taga Rehoboth sa tabi ng Ilog ay naghari na kahalili niya.
49. At namatay si Saul, at si Baal-hanan na anak ni Achbor ay naghari na kahalili niya.
50. At namatay si Baal-hanan, at si Adad ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pai: at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel, na anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Me-zaab.
51. At namatay si Adad. At ang mga pangulo ng Edom: ang pangulong Timna, ang pangulong Alia, ang pangulong Jetheh;
52. Ang pangulong Oholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Phinon;
53. Ang pangulong Chenaz, ang pangulong Theman, ang pangulong Mibzar;
54. Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Iram. Ito ang mga pangulo ng Edom.