9. Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;
10. Kundi (siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
11. Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.
12. Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.
13. Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva;
14. At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;
15. Nguni't ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon.